nakakainis ang mga taong akala mo, eh okay ang lahat..
nakakabad-trip.. bullsh*t.. ito, sige sasabihin ko na..
tsk. tsk. tsk.
hindi sagot ang pagpopost ng hate-note sa yahoo groups, dahil lalo lang nitong palalalain ang lahat.. ang iba sa kanila ay magiging miyembro na rin natin, at hindi mo kami kailangang sira-siraan sa kanila.. sa sinabi mong hinayaan mo lang na magstand-out kami sa pagkakataong 'yun, anu ba 'yun? baket, hindi pa ba kami nagsstand-out sa mga ginagawa namin ngayon?
para sabihin ko sa 'yo, hindi ko pa nakakalimutan ang mga pinagsasabi mo sa 'ken tungkol sa mga buhos ng sinasabi mong training.. "Ang good point lang, eh passed on time..." at para sabihin ko rin sa 'yo, i know how to use Photoshop better than any of all the writers here.. pero pinakikinabangan ninyong lahat 'yun, di ba? So you see, you shouldn't question my credibility dahil iba-iba tayo dito..
at sino ang sinasabihan mong balat-sibuyas? wala kang nahihita sa 'ken na kung anu-anong reaksyones pag pinapatutsadahan mo na ang lahat.. ikaw itong kung makapag-hate note, eh akala mo, napakalaki na ng kasalanan namin.. sinong balat-sibuyas ngayon? as far as i'm concerned, ang kasalanan lang namin sa 'yo eh ang matanggap.. ngayon, kung gusto mo kaming matanggal, problema mo na 'yun.. magpasalamat ka na lang at mabait si bossing..
madali akong kausap.. kung gusto mo ako sapakin, magpapasapak talaga ako kung ako talaga 'yung may kasalanan.. eh hindi eh.. kami lang 'yung paulit-ulit mong tinitira dahil mas mababa kami sa 'yo.. mangdamay ka pa ng hindi dapat idamay, at kakalimutan ko na talagang seniores kita.. ipagtatanggol pa naman sana kita sa kanila, tapos gani-ganito lang ang gagawin mo..