marami-rami na rin ang nagtatanong kung bakit ako naglipat.. (actually, tatlo lang sila.. kaya lang, ang plural ay nangangahulugang 2 or more.. kaya marami na rin.. toink!) eto na po ang kasagutan sa inyong tanong..
hindi ko na kasi kinalulugdan ang mga bumibisita dito para kutyain lang ang mga sinasabi ko.. kaya nga tinawag itong SARILING BLOG.. ito ang mundo ko.. walang pakialamanan sa mga gusto kong mangyari.. bakit, ikatataas ba ng grades mo ang pagkutya sa blog ko? would i even mind about your disparages? this, i'm telling you..
I'm too preoccupied for your disparages.. Gayun pa man, thank you very much..
~*~*~
nakakatuwa magpa-ilaw ng mga LED sa Logic Lab.. Logic Circuits at Numerical Methods ang ikinabubuhay ng academics ko ngayon.. mahirap, pero masaya din..
mabuti na lamang at hindi ko na inabutan ang nakakatakot na si MamSir <- courtesy of Ninong .. dahil pag nagkataon, baka hindi rin mabuhay ang dugo ko sa pag-aaral ng Logic circuits.. pero sinira din ng Dean ng CoE ang mga pangarap kong maging Exceeds Expectations ang grade sa Logic Circuits.. di bale.. ang mahalaga, matutunan ko ang foundations ng future trabaho ko..
kasalukuyan akong naghihintay sa propesor ko.. wala naman talaga akong klase ngayon, pero kinailangan kong pumasok dahil wala pa akong lab report.. kaya naririto ako sa bodega..
nagbuhat ako ng 250 kopya ng special copy ng isyu ng bodega.. hanggang 4th floor.. kumusta naman? haaay.. kung di ko lang itinuturing ang sarili ko bilang isang super princess, malamang-lamang, hinimatay na ako sa hagdan..
kailangan rin palang magpasa ng mga kadramahang article para sa Mindscape.. wala ako sa hwisyo para mag-isip ng mga kadramahan ngayon.. pwede ba'ng ako na lang ang magLayout ng buong Mindscape? malamang, hinde.. kailangan magsulat ako.. i'm a writer.. kung hindi, baka hambalusin na ako ni kingpin..
natutuwa ako dahil may tutulong sa akin sa gitnang tupi ng dyaryo.. ang anghel na si supertwin.. bagaman trabaho na ng prinsipe ko ang pagkulay sa mga iginuguhit niya, ako pa rin ang may kargo kung ano ang kalalabasan.. masaya dahil kahit papano, may tumutulong na sa akin..
i'll be having my dinner free.. sinabi ko kasi kay Mother Bunny na i deserve a pizza.. at malugod niya namang ibibigay.. weeeee.. salamat kay Mother Bunny..
gusto kong magpunta sa Raon para bumili ng breadboard.. iniibig ko na talaga ang Logic Circuits...