PROTOTYPE!!!!!!
nakakabaliw pala talaga gumawa ng prototype...
kung gaano kagulo ang breadboard na ito, ganun din kagulo ang daloy ng cells sa utak ko..
haaaay,, nararamdaman ko na ang hirap ng pagiging isang CoE...
kailangan pang alamin ang mga truth tables ng sangkaterbang expressions, mag-test ng mga integrated circuits at mabaliw kapag uminit ang mga ito sa breadboard, ma-badtrip sa mga super bilis mapunding light emitting diodes o LEDs, magtantsa ng resistances sa pamamagitan ng potentiometers, haaaaaayyy!!!
~*~*~*~
tsk. tsk. nagmimistulang labasan na lamang ng sama ng loob ko ang blog na ito.. sa aking mga mambabasa (kung meron man), pagpasensyahan niyo na ako.. mahirap magbalanse ng oras..
hindi muna ako makakapag-update, hah!
lalamunin muna ako ng lupa na puno ng concepts ng electric at logic circuits...
waaaaaaaahhh!!!